POSIBLENG magkaroon ng kaunting pagbaba ang output ng palay ngayong taon ng 19.17 million metriko tonelada (MMT) mula sa nagdaang taong mataas na record ng volume na 19.28 MMT sa gitna ng pinsala na dala ng mga bagyo sa sakahan, ayon sa pinakahuling projection ng Philippine Statistics Authority (PSA).
Sa tatlong buwang production forecast report, napansin ng PSA na ang output ng palayan ng 2018 ay bababa sa likod ng mababa at maliit na lugar ng ani.
Ang total harvest area ng 2018 ay ninipis ng 9,701 ektarya sa 4.802 million ektarya mula sa 4.811 million ektarya na nairekord noong 2017, ayon sa estimate ng PSA.
Gayundin, ang prodyus ng palay kada ektarya ngayong taon ay bababa sa 3.99 MT kada ektarya mula 4.01 MT kada ektarya, ayon pa sa PSA.
Napansin ng PSA ang mababang output sa mga rehiyon na tinamaan ng bagyo sa pangalawang bahagi ng taon tulad ng CAR, Regions I at II.
Nakikita ng PSA na ang output sa CAR ay bababa ng 11.62 porsiyento habang ang produksiyon sa I at II ay posibleng bumagsak ng 8.3 porsiyento at 9.17 porsiyento ayon sa pagkakasunod.
Gayunman, naobserbahan sa PSA report na ang palay output sa halos lahat ng rehiyon sa bansa ay lalawak dahil sa Central Luzon na nananatiling top-producing region dahil ito pa rin ang may 19.27 porsiyento ng total 2018 production.
Nakikitang ang palay output ng 2018 sa Central Luzon ay tataas ng 1.62 porsiyento hanggang sa 3.693 MMT mula sa 3.634 MMT na recorded volume noong 2017.
May projection ang report ng PSA na ang output ng palay sa bansa sa ikaapat na tatlong buwan ay posibleng magkaroon ng pagbaba ng 7.26 MMT mula sa 7.32 MMT noong nagdaang taon.
“Similarly, harvestable area may decrease by 0.75 percent from previous year’s level of 1.86 million hectares,” sabi nito.
Nakapagprodyus na ang bansa ng 11.91 MMT ng palay mula Enero hanggang Setyembre ng 0.42 porsiyento na mababa kaysa sa 11.96 MMT recorded output sa parehong panahon noong 2017.
Inaasahan ng Department of Agriculture (DA) na ang palay output ng bansa ay babagsak sa 18.6 MMT mula sa 19.28 MMT noong nagdaang taon dahil sa pagkalugi sa produksiyon noong nagdaang taon dala ng bagyo sa ikalawang bahagi ng taon na tinatayang nasa 800,000 MT. Ang target ng DA na produksiyon ng palay ngayong taon ay 19.4 MMT. JASPER EMMANUEL Y. ARCALAS
Comments are closed.