BIBIGYAN ng pagkilala ang outstanding government workers at agencies na may pinakamaraming naresolbang public concerns na inihain sa Contact Center ng Bayan (CCB) sa 124th celebration ng Philippine Civil Service Anniversary (PCSA) sa Setyembre, ayon sa Civil Service Commission (CSC).
Sa Bagong Pilipinas Ngayon program na inere sa state-run PTV-4, sinabi ni CSC Commissioner Aileen Lizada na pangungunahan ni Presidente Ferdinand R. Marcos Jr. ang awarding ceremony para sa outstanding government workers sa Malacañan Palace sa Manila sa Set. 19.
“No less than the President is present to award itong mga (the) three categories: Dangal ng Bayan Award, Pagasa Award and Presidential Award to outstanding government employees, official and employees,” sabi ni Lizada.
Isinasagawa ng CSC ang annual search para sa outstanding government workers upang kilalanin ang civil servants na may outstanding contributions at nagpamalas ng exemplary behaviors.
Ang paggagawad ng parangal ay naglalayong udyukan at magbigay ng inspirasyon sa mga empleyado ng pamahalaan para pagbutihin ang kalidad ng kanilang performance at magkaroon ng mas malalim na involvement sa public service.
Sinabi ni Lizada na isa pang awarding ceremony ang gaganapin sa Set. 27 upang kilalanin ang mga ahensiya ng pamahalaan na may pinakamaraming naresolbang public concerns via CCB.
“Paparangalan po namin iyong mga government agencies with the highest resolution rate of queries and complaints submitted through our CSC-CCB, Contact Center ng Bayan, kasi marami silang na-resolve na mga cases,” aniya.
Sinabi pa ni Lizada na naghihintay rin ang special treats sa 1.9 million civil servants sa buong bansa sa month-long celebration
Aniya, nakipagpartner ang CSC sa 240 public at private institutions na mag-aalok ng discounts at freebies sa mga empleyado ng pamahalaan.
Ang mga kawani ng gobyerno ay makaka-avail din ng libreng sakay sa Metro Rail Transit Line 3 at Light Rail Transit Line 2 sa Set. 18-20. (PNA)