OUTSTANDING PUBLIC SERVANT

OUTSTANDING PUBLIC SERVANT. Masayang tinanggap ang parangal at nagpasalamat sa taumbayan si Bicol Saro Partylist Cong. Brian Raymund Yamsuan sa paggawad sa kanya bilang Outstanding Public Servant para sa taong 2023 ng RP-Mission and Development Foundation Inc (RPMD). Pinagkalooban ng RPMD si Yamsuan ng award kasama ang natatanging Laurel Trophy bilang pagkilala sa kanyang mga proyekto at programa na nagpabago at nagpaunlad sa sistema ng paghahatid ng serbisyo sa partylist system. Ayon kay Yamsuan, lalo pa niyang papaigtingin ang paghahatid ng mga proyekto sa mga kapus-palad na mga Pilipino ‘para maisakatuparan ang layunin nating lahat na maging ligtas, payapa at komportable ang buhay para sa bawat pamilyang Pilipino.’