OUTSTANDING RICE ACHIEVERS AWARD SA ISABELA

GOV DY

ISABELA ­– SA ikaapat na pagkakataon ay muling nakamit ng lalawigang ito ang Outstanding Rice Achievers Award  kung saan mayroon silang cash incentives na P4 milion.

Ang lalawigan ng Isa­bela ang isa sa tinaguriang rice granary of the Philippines na ikalawang pinagmumulan ng mala­king supply ng bigas sa bansa

Ang award na mula sa Department of Agriculture at National Irrigation Administration o NIA ay tinanggap ng mga lokal na opisyal sa Isabela sa pangunguna ni Gov. Bojie Dy sa ginanap na programa sa Philippine International Convention Center (PICC).

Isang malaking karangalan na naman ang sinabi ng isa sa mga nagtungo sa PICC para sa pagtanggap ng award, na si Board Member Fred Alili, vice chairman ng Committee on Agriculture na isang P1 milyon din ang natanggap ng LGU San Mateo sa pagiging outstanding municipality na pinamumunuan ni Mayor Crispina Agcaoili, habang P500,000 sa Bagong Silang Irrigators Association ng Alicia, Isabela.

Special Award ang natanggap ng Lucban Small Water Irrigation Service Association ng Benito Soliven, Isabela at Aneg Small Water Irrigation System Water Service Cooperative ng Aneg, Delfin Albano.

Gagamitin ang mga natanggap na cash incentives para sa mga proyekto upang patuloy na matulungan ang mga magsasaka sa Isabela. IRENE GONZALES

Comments are closed.