HALOS nasa 200 produkto mula sa 30 kasaling food processors sa Northern Mindanao ang naka-display noong magbukas ang “Tinagboan” Food Festival sa Cagayan de Oro kamakailan.
Ang ‘Tinagboan’ ay isang local dialect na ang ibig sabihin ay “pasalubong” na mga pagkain na karaniwang iniuuwi bilang souvenir mula sa biyahe.
Inorganisa ng Food Processors Association of Northern Mindanao (FopaNormin), layon ng exhibit na ipakita ang locally-made “souvenir” food items at ito ay bahagi ng month-long fiesta celebration ng siyudad.
Sa isang panayam, sinabi ni FopaNormin President Nenita Tan na ang food exhibit ay isa ring paraan para ipagdiwang ang ika-19 na anibersaryo ng organisasyon na may temang: “Fiesta Carnival, Celebrate Food for Life.”
Sinabi ni Tan na ilan sa mga highlight ng goof exhibit ay ang cooking demonstration, at marketing activities na dinisenyo ng ibang other small-scale food na magkaroong ng aktibong partisipasyon sa “food tourism” industry sa rehiyon.
Siniguro naman ni Dete Acosta, Department of Trade and Industry (DTI) Region 10 representative na dumalo rin sa pagbubukas ng exhibit na nakasuporta ang ahensiya para sa small and medium food processors.
Sinabi ni Acosta na ang DTI ay maraming programa para makatulong sa mga negosyante na mag-visualize at palawakin ang kanilang kalakal, at nanawagan pa sa kanila na sumali sa mga organisasyon tulad ng FopaNormin.
Pinangunahan ni City Mayor Oscar S. Moreno ang pagbubukas ng exhibit na pinili mula sa mahigit na 200 homegrown food products kasama ang sikat ng “lechon” ng Northern Mindanao. PNA
Comments are closed.