INATASAN ni Land Transportation Office (LTO) chief Assistant Secretary Vigor Mendoza II ang mga regional director na mahigpit na ipatupad ang crackdown sa overloaded trucks at trailers.
Ayon kay Mendoza, ang overloaded trucks at trailers ay banta sa road safety at kung minsan ay nagreresulta sa fatal road accidents.
Ilang kaso ng multiple vehicle damage at multiple fatalities ang naitala dahil sa overloaded trucks at trailers sa national highways.
“Based on the complaints that we have been receiving, overloaded trucks also contribute to road and bridge damage which eventually result in additional expenses for the national government for repairs,” sabi ni Mendoza. “We need to seriously run after them because more than the damage to roads and bridges, they also threaten the safety of all road users,” dagdag pa niya.
Ang overloading ay isa sa mga pangunahing paglabag sa mga nakalipas na taon.
Noong 2023, ang LTO ay nagtala ng P42.7 million na penalties mula sa overloading ng motor vehicles, lalo na ang trucks at trailers.
Ang mahigpit na pagpapatupad ng batas magnula noong Agosto ng nakaraang taon ay nagresulta sa pagbaba ng mga paglabag ng 12.8 percent kumpara sa datos noong 2022.
(PNA)