PANSAMANTALANG sinuspinde Manila International Airport Authority (MIAA) ang overnight parking sa lahat ng NAIA Terminal parking areas.
Nabatid na mananatili ang naturang suspensiyon hanggang sa Enero 5, 2020.
Layon ng nasabing ‘temporary interruption’ ng nasabing serbisyo na mabigyan ng pagkakataon ang mas maraming mga motorista na makagamit sa parking areas ng NAIA terminals.
Ito sa harap ng inaasahang pagdagsa ng mas malaking bilang ng mga pasahero sa paliparan ngayong papalapit ang Bagong Taon at pagkatapos ng selebrasyon na saan mag-uuwian na ang mga galing ng probinsiya at ang mga nagtungo ng Maynila ngayong holiday season.
Comments are closed.