NANGAKO ang isang sikat na online shopping company na makikipagtulungan sa Department of Trade and Industry (DTI) na alisin ang lahat ng alok na overpriced na N95 at N88 face masks sa kanilang platform, ayon sa isang opisyal kamakailan.
“We commend Shopee for immediately heeding our call. The cooperation of online shopping companies is very important in preventing unscrupu-lous individuals from taking advantage of consumers for their own profit,” pahayag ni DTI-Consumer Protection Group (CPG) Undersecretary Ruth Castelo.
Sa paghihigpit sa kanilang pagsubaybay, pagmo-monitor, at pagpapatupad, nanawagan ang DTI sa mga online shopping companies para pigilan ang pagbebenta ng overpriced masks sa mga konsyumer. Ang Shopee ang unang tumugon sa hiling ng DTI.
Bago pa man ang pakikipag-usap sa online shopping companies, nagmo-monitor na ang Shopee sa sellers ng overpriced masks sa kanilang e-Commerce platform para masiguro na ang kanilang presyo ay sakop ng presyo na itinakda ng Department of Health (DOH).
Nananawagan ang DTI sa iba pang online shopping companies na sumunod na rin sa pag-aalis ng sellers ng overpriced face masks.
Sa mga kumpirmadong kaso ng novel coronavirus sa bansa, tumaas ang demand ng N95 at N88 face masks.
Dahil sa mababa hanggang sa talagang wala nang mabili sa tindahan at mga botika, naging alternatibo ang e-commerce platforms para sa mga konsyumer, na naging mas mahirap ang kooperasyon ng gobyerno at online retailers para masigurong ang publiko ay magkakaroon ng tamang presyo ng medical supplies sa merkado. PNA
Comments are closed.