Paiimbestigahan ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. ang tila overpriced na mga presyo ng bigas sa ilang pamilihan sa Guadalupe market bagamat hindi dito isasama ang napansin din nito at ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ma. Cristina Roque na nagtaasan din na presyo ng ilang noche Buena items.
Ito ay matapos magsagawa ng joint inspection para sa holiday season ang DA at DTI sa wet markets at grocery stores sa Guadalupe, Makati City.
Paliwanag ng kalihim, ang nasabing inspection ay naglalayon na siguraduhing ang mga bilihin lalo na ang pang noche Buena ay sapat at ang presyo ng mga ito ay reasonable.
Napansin ng mga ito ang pagtaas ng mga presyo ng manok at karne ng baboy dahil sa mataas na demand dito ngayong Kapaskuhan.
Sa naturang pag-inspeksyon, sinabi ni Tiu Laurel na may mga sumunod naman sa presyong ₱40–₱45 kada kilo ng bigas na itinakda ng DA sa mga Rice-for-All-Program price.
“Other stalls were selling certain rice brands at a ₱12 premium over the expected price. He assured the public that the DA would investigate the matter promptly and summon the vendors involved for clarification,”sabi ng DA.
“P62 ang benta, sa akin dapat nasa P50 lang ‘yon, so mayroon akong nakikitang problema ngayon doon sa branding na tinatawag,” sabi nito.
Inobliga ng dalawang kalihim na i-display ng mga nagtitinda ang Noche Buena Price Guide upang matulungan ang consumers gumawa ng decision sa mga presyo ng bibilhing item.
“Agriculture Secretary Francisco P. Tiu Laurel Jr. and Trade and Industry Secretary Ma. Cristina A. Roque led the inspection, which was organized in collaboration with the DTI’s Fair Trade Enforcement Bureau–Surveillance Monitoring Division, the DA’s Agribusiness and Marketing Assistance Service, and the City Government of Makati,” sabi ng DA.
Ma. Luisa Macabuhay-Garcia