OVERPRICING SA 85 ITEMS, NABUKING NG DTI

NAKAPAGTALA ang Department of Trade and Industry (DTI) ng 85 bilang ng overpricing o presyo na mas mataas sa suggested retail prices (SRPs) habang tinaasan nito ang bilang ng mga binabantayang establisimiyento sa 600 mula sa 400 linggo-linggo.

Ang 85 bilang (patungkol sa mga produkto sa mga tindahan) ay agad na inisyuhan ng letters of inquiry (LOI), kung saan ang presyo sa 77 items ay agad na ibinalik sa SRP levels.

Kinokonsidera itong minor violations dahil ang aktuwal na presyo ay mas mataas sa SRPs ng ilang sentimo. Ang ibang accounts ay huhulihin kapag hindi sila nakatugon at hindi nila itinama ang kanilang presyo.

Pinaigting ng DTI ang price monitoring sa mga establisimiyento sa bansa alinsunod sa direktiba ni Presidente Rodrigo Duterte upang matiyak na ang presyo ng basic necessities and prime commodities (BNPC) ay pasok sa SRP.

May 120 kompanya ang saklaw ngayon ng monitoring teams kada araw.

Kasabay nito, nagsasagawa rin ang DTI Regional/Provincial offices ng regular monitoring ng mga presyo sa mga lalawigan na sumasakop sa 500 pang tindahan.

“Since the implementation of the TRAIN Law, no LOI has ripened into a Formal Charge because the firms have immediately adjusted their prices to SRP. These supermarkets and groceries have been compliant after receiving an LOI,” paliwanag ni Trade Secretary Ramon Lopez.

Pinaalalahanan ng DTI ang lahat ng establisimiyento na pagmumultahin ng hanggang P1 million ang mga kompanya na magsasagawa ng anumang ilegal na gawain ng price manipulation, lalo na ang profiteering. Ang naturang pagkakasala ay maaari ring magresulta sa criminal liabilities at penalties.

Sa kabila nito, maliban sa nabanggit na mga kaso, ang presyo ay nanatiling matatag base sa price monitoring.

“To be exact in the reporting, we have compared ACTUAL PRICES in June 11-15, 2018 vs. November 2017, and not only the SRPs for BNPC.  Out of 101 SKUs in basic necessities covering canned sardines, milk, coffee, detergent bars, bread, instant noodles, and bottled water, only four showed minimal price increase of 1-7%,” wika ni Sec. Lopez.

“For prime commodities like canned meat products, condiments, bath soap, and battery, out of 43 items, only 13 posted increase of 1-8% range, mostly in canned meat category due to higher tinplate costs worldwide.  These are actual price survey database.”

“We also compared SRPs during the two periods and there were SRP changes in 26 SKUs out of total 144 SKUs for combined BNPC, but 11 of the 26 items kept the same actual prices despite changes in SRPs,” dagdag pa niya.

Comments are closed.