OVERPRICING SA BABOY IIMBESTIGAHAN NG DA

KARNE-BABOY

IIMBESTIGAHAN ng Department of Agriculture (DA) ang mga napaulat na overpricing sa baboy.

Ayon kay DA Secretary William Dar, makikipag-ugnayan siya sa hog industry kaugnay sa umano’y pagtaas sa farm gate at market prices ng baboy.

“Titingnan natin kung ganyan nga ang nangyayari. Kakausapin din namin ang hog industry,” ani Dar.

Aminado si Dar na malaki ang naging epekto ng African swine fever (ASF) sa industriya su­balit may sapat aniyang suplay ng baboy, lalo na sa Visayas at  Mindanao.

“Hindi naman — dito siguro sa bandang Luzon — pero sa Visayas at Mindanao, marami pang baboy doon. So, masyadong mataas po ‘yung presyo na na-monitor nito,” sabi pa ng kalihim.

Comments are closed.