OVERSEAS VOTING ALL SET GO NA

overseas voting

PASIG CITY – TINIYAK ni Commission on Elections (COMELEC) Spokesman James Jimenez na handa na ang komisyon para sa pagboto ng ating mga kababayang nasa labas ng bansa partikular ang mga overseas Filipino worker (OFW) na nasa iba’t ibang bahagi ng mundo.

“Limang araw mula ngayon, okay na ang mga paraphernalia (balota) natin doon,” ayon kay Jimenes.

Paglilinaw naman ng Comelec official na hindi nila mga tauhan ang mangangasiwa sa overseas voting kundi mga tauhan ng Department of Foreign Affairs (DFA) habang nagbigay lamang sila ng mga gabay sa mga gagawin.

Samantala, maging ang katawagan sa pagboto ng mga kababayang nasa ibang bansa ay nilinaw ni Jimenez na hindi na OAV o overseas absentee voting kundi OV na lamang.

“Ayaw ng mga kababayan natin doon (sa ibang bansa), nagagalit sila at huwag daw silang tawa­ging “absentee” kaya naman tinawag na itong OV o overseas voting.

Samantala, umapela si Jimenez sa media lalo na sa social media na agad linawin sa kanilang ang mga ulat upang maitama ito, lalo na’t papalapit na ang OV.

Aminado si Jimenez na napakabilis ng social media subalit dahil sketchy ay may nakaliligtaan o napapasobra sa impormasyon.   EUNICE C.

Comments are closed.