OVERSTAYING CHINESE TIMBOG SA PROSTITUSYON

ARESTADO ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang isang overstaying na Chinese national matapos na puwersahang pagtrabahuin ang isang babaeng Korean bilang isang prostitutes sa kanyang mga kababayan dito sa Pilipinas.

Sa report kay Immigration Commissioner Jaime Morente ni BI intelligence division chief Fortunato Manahan Jr. kinilala ang dayuhan na si Jin Mingchun, 35-anyos na inaresto sa Parañaque City na armado ng mission order matapos na nalaman na overstaying na ito ng dalawang taon.

Inatasan din ni Morente ang legal division ng kagawaran na ipatupad ang deportation proceedings laban kay Jin dahil sa pagiging overstaying at undesirable alien.

“Aliens like him who prey on women do not deserve the privilege to stay in the country. They should be expelled and banned from re-entering the Philippines,” ayon kay Morente.

Ayon kay Manahan, si Jin ay inaresto dahil sa reklamo na natanggap ng kagawaran mula sa isang informant na nakatrabaho ng Koreana.

Nabatid na pinuwersa ni Jin ang Koreana na magtrabaho bilang isang prostitutes sa pamamagitan ng pagkumpiska ng kanyang passport at nagdodroga bago sila lumabas ng kanilang tinutuluyang hotel.

Si Jin ay kasaluku­yang nakadetine sa BI warden facility sa Camp Bagong Diwa, sa Taguig City. PAUL ROLDAN