OVERSTAYING NA MISYONARYO SUMAWSAW SA POLITIKA HULI SA BI

BI Commissioner Jaime Morente

MAYNILA – KINUMPIRMA ng Bureau of Immigration (BI) na overstaying ang Zimbabwean United Methodist Missionary na si  Tawanda Chandiwana.

Giit pa ni BI Commissioner Jaime Morente na kaya nila dinakip si Chandiwana ay may nilabag itong alituntunin ng kawanihan partikular ang aniya’y pakikisawsaw sa political activities sa bansa.

Ayon kay BI Spokesperson Dana Krizia Sandoval, si Chandiwana ay kasalukuyang nakakulong sa BI Warden Facility sa Bicutan Taguig, City, at nakatakdang pabalikin sa kanilang bansa dahil sa kanyang involvement bilang isang leftist-organizer.

Si Chandiwana ay naaresto ng mga tauhan ng BI noong May 9 sa  Toril, Davao City sa bisa ng mission order na ipinalabas ni Morente

Sa imbestigasyon na isinagawa ng BI,  inamin nito na nagtatrabaho siya sa bansa magmula pa noong Oktober 2016, at nagkaroon siya ng wor­king visa noong 2017 matapos mag-expire ang kanyang missionary visa noong April 6, 2016.

Ito umano ang dahilan ng BI upang patawan si Chandiwana ng deportation dahil sa overstaying kasabay sa paglalagay ng kanyang pangalan sa listahan ng mga blacklisted na dayuhan.

Maging ang kasamahan nito na sina Adam Thomas Shaw at Malawian Miracle Osman na pawang mga American citizen ay naka-ban na rin sa bansa sapagkat nagtatrabaho rin bilang mga missionary nang walang visa magmula noon pang 2011 hanggang taong 2013. FROI MORALLOS

Comments are closed.