OVERSTAYING SOUTH AFRICAN HULI

ALBAY-INARESTO ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa Legazpi City,. ang isang South African national dahil sa pagiging over staying nito sa bansa o paglabag sa itinakda niyang visa.

Sa report kay BI Commissioner Norman Tansingco ng mga operatiba ng BI regional intelligence operations unit (RIOU) kinilala ang naaresto na si Benjamin Michael Theron sa k Sikatuna Street, Brgy. 13 Ilawod West, y sa pakikipagtulungan ng Philippine Air Force Tactical Operations Group-5 (PAF TOG-5), National Intelligence Coordinating Agency-5 (NICA-5), Naval Forces Southern Luzon (NFSL), at mga lokal na awtoridad.

Ang pagkakaaresto kay Theron ay bunsod ng mission order na inisyu ng Tansingco dahil sa sumbong na natanggap mula sa dating live-in partner ng dayuhan dahil sa panggugulo nito sa kanilang komunidad.

Si Theron ay overstaying na ito sa bansa simula pa na noong 2018 at paso na ang visa nito ng tatlong taon.

Sinabi ni BI intelligence division chief Fortunato Manahan, Jr. na sinuma ANG mamagitan, umarbor o magbigay ng tulong sa isang overstaying national ay mahaharap din sa paglabag sa Philippine immigration act of 1940. PAUL ROLDAN/ FROI MORALLOS