OVERTIME PAY NG MGA KAWANI IBIGAY – DOLE

DOLE

MAYNILA – NAGPAALALA ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga employer hinggil sa tamang pasuweldo sa kanilang mga manggagawa ngayong Pebrero 25, anibersaryo ng EDSA People Power 1 na idineklarang special non-working day alinsunod sa Proclamation No. 845, s. 2019.

Sa pay rules na inilabas ng DOLE, nabatid na ipaiiral nila sa nasabing araw ang ‘no work, no pay’ principle, habang ang papasok ay may karagdagang 30% ng kanilang basic wage sa unang walong oras ng kanilang trabaho.

Kung lalampas naman ng walong oras o mag-o-overtime ang mga ito ay dapat pa silang makatanggap ng karagdagan pang 30% ng kanilang hourly rate.

Samantala, kung ang naturang special non-working holiday ay natapat sa rest day may karagdagang 50% sa kanyang basic wage sa unang walong oras ng trabaho.

Kung mag-o-overtime naman, tatanggap sila ng karagdagan pang 30% ng kanilang hourly rate. ANA ROSARIO HERNANDEZ

Comments are closed.