NAGHAHANDA ang Office of the Vice President na ipagtanggol ang panukalang 2023 budget nito sa Senado.
Sinabi ito ng tagapagsalita at abogado ng OVP na si Reynold Munsayac.
“Nagpapasalamat po tayo sa ating budget sponsors at sa mga miyembro ng House of Representatives sa mabilis na pagpasa ng budget ng OVP,” ayon kay Munsayac.
Sa Setyembre 29, 2022, haharap ang sa Senado para depensahan ang badyet ng OVP dahil naghahanda na rin silang magbigay ng liwanag sa mga pagtatanong.
“Inaasahan po natin na magtatanong din ang ating mga senador ukol sa ilang provisions sa OVP budget pero handa naman po tayo ipaliwanag mabuti ang lahat ng mga ito,” anang tagapagsalita.
Ang OVP ay nagmungkahi ng badyet na P2.3-bilyon para pondohan ang mga Projects, Programs, and Activities (PPAs) nito, pangunahin para sa mga serbisyong panlipunan at mga programang pangkabuhayan.
Ang mga deliberasyon sa OVP budget ay winakasan na sa plenaryo at sa antas ng appropriations committee. LIZA SORIANO