OWNER NG 2 SUV NA INIUGNAY SA 1.4 TONS SHABU TUKOY NA

MAYROON nang lead ang Philippine National Police (PNP) sa may-ari ng inabandonang sports utility vehicles na iniugnay sa nakumpiskang 1.4 tonelada ng shabu sa Alitagtag, Batangas noong April 15

Ayon kay PNP Public Information Office Chief Col. Jean Fajardo, ang nakabili at nakapangalan sa mga dokumento ng mga SUV ay kabilang sa “persons of interest” na umarkila ng bahay sa Nasugbu, Batangas na isinailalim sa search warrant kamakailan ng PNP.

Gayunpaman, hindi muna pinangalanan ni Fajardo ang persons of interest dahil sa ongoing pa ang case build-up.

Iniulat din ni Fajardo na negatibo sa ilegal na droga ang test na ginawa sa dalawang SUV at kasalukuyang nagsasagawa ng micro-etching procedure para sa posibleng naiwang DNA ng mga gumamit ng naturang mga sasakyan.

Ang inabandonang itim na Toyota Land Cruiser at puting Ford Explorer na narekober ng Highway Patrol Group (HPG) sa San Luis, Pampanga noong Abril 21 ay nakita sa CCTV footage na kasama ng van na hinarang sa checkpoint kung saan natagpuan ang malaking bulto ng shabu.
EUNICE CELARIO