PASAY CITY – KUMIKILOS na ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) at nakipag-ugnayan na sa Department of Foreign Affairs (DFA) hinggil sa Pinoy na nakaranas ng diskriminasyon sa Italy dahil sa banta ng coronavirus disease (COVID-19).
Sinasabing sinuntok umano ang Pinoy sa isang pamilihan sa Casalpusterlengo dahil napagkamalang Chinese.
Ang Casalpusterlengo ay isa sa 10 lugar sa Lombardy region na naka-lockdown para pigilan ang pagkalat ng nasabing virus.
Sinabi ni OWWA administrator Hans Leo Cacdac, ang pagkakaalam ng gobyerno ay well-loved o minamahal ang mga Filipino na nasa Italy. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM
Comments are closed.