AGAD na magbibigay tulong ang Overseas Workers Welfare Administration ( OWWA) sa pamilya ng pinaslang na Overseas Filipino Worker (OFW) sa Kuwait.
Sa isang pulong balitaan, sinabi ni OWWA administrator Arnel Ignacio na ibibigay ng kanilang ahensiya ang lahat ng tulong sa pamilya ng pinatay na si Jullebee Ranara.
Ang 35-anyos na OFW sa Kuwait ay iniulat na nasawi noong Linggo ng gabi.
Ayon sa ulat ng Kuwaiti media, nakita ang sunog na katawan ni Ranara sa disiyerto.
Kabilang sa tulong na ibibigay ng OWWA ang financial assistance na mahigit sa P200,000, burial asistance gayundin ang educational support sa mga anak ng namatay na OFW.
Masusi rin babantayan ng OWWA ang magiging takbo ng imbestigasyon katuwang ang DFA. LIZA SORIANO