KASUNOD ng atas ng Inter-Agency Task Force for the Management on Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID) sa Department of Transportation (DOTr) na bantayang mabuti ang mga airline na magmumula sa mga bansang nasa ilalim ng travel restrictions, pinatututukan din ng nasabing government implementing body laban sa COVID-19 ang mga One-Stop Shop na minamantine ng nasabing kagawaran at maging sa ilalim ng Overseas Worker Welfare Administration (OWWA).
Ito ay kasunod ng ulat hinggil sa isang pasahero ng isang commercial flight mula sa United Arab Emirates na umano’y nag-positibo sa COVID-19
Sa isang virtual press conference kamakailan, sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na upang hindi makapuslit ang ba-gong variant ng coronavirus disease ay ibinaba ang temporary ban sa mga biyahero na magmumula sa mahigit 30 bansa na apektado ng naturang sakit.
Ngunit hindi, aniya, hihinto roon ang border control at tututukan din ang mga passenger airline para sa kanila pa lamang ay kontrolado na.
Habang ang mga Filipino na nasa ilalim na repatriation program ay pahihintulutang makapasok sa bansa subalit kailangang negatibo ang resulta ng RT-PCR test at sasailalim sa 14-day quarantine.
Upang mas lalong matiyak na ligtas ang bansa sa pagpasok ng COVID-19 UK variant, pati ang mga One-Stop Shop ay dapat sumunod sa istriktong health protocols.
“Related to this, the OWWA and the DOTr One-Stop Shop shall ensure that appropriate protocols are implemented for all those found to be positive of the new COVID-19 variants,” ayon pa kay Roque. EVELYN QUIROZ
Comments are closed.