OWWA SASAGUTIN ANG PAG-AARAL NG MGA ANAK NI RANARA

SASAGUTIN  ng Overseas Workers and Welfare Administration (OWWA) ang pag-aaral ng mga anak ni jullebee Ranara hanggang sa kolehiyo.

Ayon kay OWWA Administrator Arnel Ignacio, nakikipag-usap na siya sa board of trustees upang mapasama ang tatlo anak ni Ranara sa scholarship na kanilang ipagkakaloob sa mga anak ng biktima.

Dagdag pa ni Ignacio, nasa kanya na ang tseke na P220,000 na tulong ng kanilang opisina sa pamilya ng nasawing OFW sa Kuwait, at aniya sasagutin din nila ang gastusin sa burol hangang madala ito sa kanyang huling hantungan.

Samantala, tuloy-tuloy ang repatriation sa mga distressed OFW na pansamantalng nanirahan sa shelter ng Philippine Embassy sa Kuwait.

Sa kabila nito hindi pa matiyak ni Ignacio kung kailan matatapos ang isinasagawang repatriation ng mga OFW sa Kuwait dahil araw araw aniya ay may mga dumadating, ngunit tiniyak nito na tutulungan sila sa problema tungkol sa kanilang mga employer.

Si Ranara ay pinatay at sinunog sa disyerto ng anak ng kanyang amo na sinasabing gumahasa sa kanya.
Froi Mòrallos