P 1.7-M MARIJUANA NAKUMPISKA NG PDEA

BENGUET- TINATAYANG nasa 15 kilos ng cannabis sativa o marijuana na nagkakahalaga ng P1,700, 000 ang nakumpiska sa dalawang tulak sa isinagawang buy bust operation ng mga tauhan ng PDEA sa pribadong parking lot sa Brgy. Balili, sa bayan ng La Trinidad sa lalawigang ito kamakalawa.

Kinilala ang mga nadakip na suspek na sina Marion Tinapen Asislo, 35-,anyos, alyas Richard at Amado Paycao y Anatel, 40-anyos, binata, kapwa residente ng Bay-o Sasaba, Santol, La Union.

Ayon sa PDEA, ang mga nadakip na suspek ang nasa likod ng pagbebenta ng ilegal na droga sa lalawigan ng Bulacan at karatig probinsiya sa Gitnang Luzon.

Samantala, nasa kostudiya na ng PDEA-CAR Laboratory Section for forensic examination ang mga nakumpiska marijuana habang kasong paglabag naman sa Republic Act 9165 or otherwise known as the Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang isasampa laban sa mga suspek. THONY ARCENAL