P.1-M MULTA SA ILLEGAL WORKERS

DOLE_LOGO

DAPAT bigyan ng dagdag na kapangyarihan ang Department of Labor and Employment (DOLE) upang matugunan ang pagdagsa ng mga illegal foreign worker sa bansa, ayon kay Secretary Silvestre Bello III.

Sinabi ni Bello na ang DOLE ay dapat magkaroon ng kapangyarihan na itaas ang multa para sa illegal workers sa P100,000 mu-la sa P10,000 at kanselahin o suspendihin ang prangkisa ng Philippine Offshore Gaming Operators o POGOs na nag-eempleyo ng foreign nationals na walang Alien Employment Permits.

Aniya, ang POGOs ay kasalukuyang saklaw ng isang executive order na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong 2017.

“Kaya dapat medyo palakasin ang aming punitive power na hindi lamang 10,000 dapat P100,000. Tsaka dapat may power kami to suspend and cancel the franchise of POGO operators who is allowing workers without permit,” ani Bello.

“Kung maaari ibigay sa amin ang power pero sa ngayon wala pa,” dagdag pa niya.

Lumagda noong Miyerkoles ang DOLE, Bureau of Immigration (BI), Department of Justice (DOJ) at Bureau of Internal Reve-nue (BIR) sa joint guidelines upang higpitan ang pag-iisyu ng work permits sa mga  foreign national.

Epektibo Mayo 1, tanging ang mga foreign worker na may Tax Identification Numbers (TIN) ang pagkakalooban ng permit ng labor department.

Sa pagtaya ng Department of Finance (DOF), umaabot sa P22 billion taon-taon ang nawawala mula sa unpaid income taxes ng mga illegal foreign worker sa POGOs.