P.2-M MULTA SA MEAT SMUGGLING

Secretary Manny Piñol

PAGMUMULTAHIN ng P200,000 ang mga turistang mahuhuling sangkot sa smuggling ng meat products papasok sa Filipinas.

Ito ang inihayag ni Agriculture Secretary Manny Piñol makaraang makitaan ng legal na basehan ang pagpapataw ng natu­rang multa.

Ayon kay Piñol, hindi na niya kaila­ngan pang maglabas ng memorandum order para sa nasabing multa dahil umiiral naman, aniya, ito sa mga batas ng Filipinas.

Subalit maaari aniyang maglabas pa rin siya ng advisory upang mapaalalahanan ang publiko hinggil sa naturang multa.

Samantala, sinabi ni Bureau of Animal Industry-ASF Task Force Head May Magno na ang Republic Act 9296, na naamyenda-han ng RA 10536 o mas kilala bilang Meat Inspection Code of the Philippines, ay nagtatakda ng multa sa pagpapasok ng meat products sa bansa na walang proper clearance.

Sa ilalim ng RA 10546, ang pagkum­piska sa ‘hot meat” ay may katapat na multa na P200,000 para sa first offense, P350,000 sa second offense at  P500,000 para sa third at succeeding offenses.  BENEDICT ABAYGAR, JR.

Comments are closed.