P.5-B PONDO HIRIT NI UMALI PINAHAHARANG SA COMELEC

Gov Czarina Umali

NAGHAIN ng oposisyon sa Commission on Elections (Comelec) ang mga kandidato ng ruling party na Partido Demokratiko Pilipino – Lakas ng Bayan (PDP-Laban) at ng local party Bagong Lakas ng Nueva Ecija (Balane) upang hadlangan ang hirit ng pamahalaang panlalawigan ng Nueva Ecija na multi-milyong pisong pondo sa kabila ng umiiral na election ban.

Sa 4-pahinang opposition letter na ipinadala kay Comelec Chairman Sherrif M. Abas noong Lunes (March 25, 2019), iginiit ng apat na kandidato ng PDP-Laban/BALANE na hindi dapat payagan ng Comelec ang hi­ling ni incumbent Governor Czarina Umali na magpalabas ng P500 Million para sa iba’t ibang proyekto sa kabila ng umiiral na election ban.

Ito ay pirmado nina Virgilio A. Bote, Provincial Chairman ng PDP-Laban at kandidato sa pagka-gobernador ng Nueva Ecija; Board Member Ed-ward Thomas F. Joson, kandidato sa pagka-bise gobernador; re-electionist 3rd District Rep. Rosanna V. Vergara; at re-electionist 1st District Rep. Es-trelita B. Suansing.

“We received information that our incumbent governor filed an action before the Comelec requesting for the utilization of budget items of the prov-ince of Nueva Ecija during the election ban period under the Omnibus Election Code,” ayon sa petisyon.

Copy-furnished sa natu­rang petisyon ang opisina ni Pangulong Rodrigo Duterte, Sen. Aquilino “Koko” Pimentel, chairman ng Senate Electoral Re-forms and People’s Participation at Rep. Sherwin Tugna ng House Committee on Suffrage and Electoral Reforms.

Nangangamba ang mga opisyal na baka gayahin ng ibang local government units (LGUs) ang pagbalewala sa Omnibus Election Code kung papa-yagan ang hirit ni Umali na magpalusot ng pondo sa kabila ng pinaiiral na election ban ng Comelec.

Si Umali ay kumakandidato sa pagka-kongresista sa ikatlong distrito ng Nueva Ecija, habang ang kanyang esposo na si Aurelio Umali ang hahalili sa kanyang iiwang puwesto sa pagka-go­bernador; at ang bayaw naman nitong si Anthony Umali ay kumakandidato sa pagka-bise gobernador.

Ayon sa mga opisyal, nakapagtataka umano kung bakit ngayon lang ilulusot ng provincial government ang “Aid to Component LGUs” na nagka-kahalaga ng P100-M at kung bakit bubuhusan ng malaking pondo ang “Aid to Vice Mayor’s League”.

“Malinaw naman kung ano ang kanilang pakay kung bakit kailangang ilusot itong P500-M na ito. Popondohan nila ang mga project at programs to advance their election agenda at hindi para tulungan ang aming mga kalalawigan,” ani Bote.

“Wala sigurong problema sa pagpapalabas ng pondo kung ito ay para sa totoong programa sa aming mga kalalawigan. May umiiral na election ban sa pagpapalabas ng pondo, pero itong aming gober­nador ay nagpupumilit na magpalusot ng P500 mil­yong pondo. Hindi maiwasang magduda na baka gamitin lamang ito sa kanilang pangangampanya,” giit naman ni Joson.

Hiling ng mga kandidato, ibasura ng Comelec ang hirit na exemption ng gobernadora sa pagpapalabas ng pondo ng probinsya dahil posible umanong magamit lamang ito sa eleksiyon.  PILIPINO Mirror Investigative Team

Comments are closed.