NAIS nang tanggalin ni Senador Panfilo Lacson ang multang P500,000 na babayaran ng mga awtoridad kapag napatunayan na hindi terorista ang kanilang ikinulong sa piitan.
Paliwanag ni Lacson na ipauubaya na lamang sa korte kung ano ang magiging discretion sa mga false prosecution ng mga awtoridad.
Aniya, may mga existing law nang ipinatutupad kaugnay nito at bahala na ang korte na magpataw ng damages sa biktima.
Naniniwala si Lacson na ang P500,000 na multa sa ilalim ng Human Security Act ang isang dahilan kung bakit nag-aalangan ang mga awtoridad na kasuhan ang isang terorista ng Anti Terrorist Act o paglabag sa Human Security Act.
Paliwanag ng senador na minsan nauuwi na lamang ang kaso sa multiple murder o illegal possession of explosives dahil sa takot na magmulta ng kalahating milyong piso. VICKY CERVALES
Comments are closed.