P.5 M REWARD VS GUNMEN NG EX-MAYOR

reward money

QUEZON-ISINAPUBLIKO na ni Pagbilao Mayor Sheryann Portes Palicpic ang mga kuha ng CCTV sa naganap na pamamaril sa kanyang ama na dating alkalde ng nasabing bayan sa lalawigang ito.

Sa FB Account ni Mayor Palicpic, ipinakita nito ang video ng pamamaril sa ama na si  dating alkalde na si Romeo “Romar” Portes sa harapan mismo ng kanilang tindahan ng bigas sa bayan ng Pagbilao noong nakaraang Nobyembre 24 dakong ala- 5:00 ng hapon habang ito ay nakaupo sa silya.

Ani Palicpic, naglaan siya ng kalahating milyong piso sa sinumang makapagtuturo sa dalawang suspek upang mahuli ang mga ito at makamit ang hustisya sa ginawang pamamaril sa kanyang ama at nangangakong mananatiling nakatago ang katauhan ng makapagbibigay ng impormasyon laban sa mga kriminal.

Ang ginawang panawagan at pagbibigay ng reward ng alkalde ay para sa agarang pagresolba sa kaso na hanggang sa kasalukuyan ay patuloy pa ang ginagawang paghahanap sa mga suspek at hindi pa rin nakikilala ng mga pulis ang mga ito.

Gayunpaman, agad  na bumuo ng SITG ang Quezon Provincial Police Office sa pamumuno ni Provincial Director PCOL Audie Madrideo na siyang tutugis sa mga salarin at tututok sa kaso.

Nanatiling nasa ICU ng St.Lukes Hospital, Taguig City ang biktima dahil sa maselang kalagayan nito. BONG RIVERA

3 thoughts on “P.5 M REWARD VS GUNMEN NG EX-MAYOR”

  1. 357094 155908Very nicely written story. It is going to be helpful to everybody who utilizes it, as well as myself. Maintain up the excellent function – i will certainly read more posts. 225001

Leave a Reply

Your email address will not be published.