P.50 DAGDAG SA PASAHE SA JEEP

JEEP-2

POSIBLENG pagbigyan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang hirit na taas-pasahe sa mga jeepney sa halagang P.50.

Ito ang ipinahiwatig ng LTFRB sa harap na rin ng sunod-sunod na pagsirit sa presyo ng langis na ngayo’y nasa ika-9 sunod na linggo na.

Pero ayon sa LTFRB, tinatayang nasa singkuwenta sentimos lamang ang ipatutupad na provisional increase batay na rin sa naging rekomendasyon ng National Economic and Development Authority (NEDA) para sa mga jeepney habang piso naman sa ordinary bus.

Mas maliit ito kung tutuusin sa hirit na P12 na minimum fare sa jeepney habang pasok naman ito sa hinihiling na P11 na minimum fare sa mga non-aircon o ordinary buses.

Una rito, inihayag ng NEDA na makaaapekto sa annual inflation ngayong 2018 kung ibibigay ng LTFRB ang hirit na dagdag pasahe sa jeepney at bus mula Oktubre lalo na sa cost of living o gastusin maging sa presyo ng mga produkto at serbisyo.    DWIZ882

Comments are closed.