APAT na babaeng tulak ng ilegal na droga ang inaresto sa ikinasang buy-bust operation ng mga operatiba ng Parañaque City Station Drug Enforcement Unit (SDEU) na nakumpiskahan ng P510,000 halaga ng shabu kamakalawa ng gabi sa nasabing lungsod.
Kinilala ni Parañaque City police chief Col. Maximo Frial Sebastian, Jr. ang mga suspek na sina Myla Rodolfo, 43-anyos, junk shop helper; Maria Elena Conche, 60-anyos; Gina Magyani, 57-anyos; at Annalyn Dela Cruz, 33-anyos, pawang mga residente ng Lim Compound, Quirino Avenue, Manggahan, Barangay San Dionisio, Parañaque City.
Sa report ng Parañaque City police, isinagawa ng SDEU ang buy-bust operation laban sa mga suspek dakong ala-6:15 ng gabi sa Lim Compound, Barangay San Dionisio, Parañaque City.
Bago isagawa ang operasyon ay nakatanggap ng impormasyon ang mula sa isang concerned citizen kung saan isiniwalat nito ang ilegal na aktibidad ng mga suspek.
Makaraang magpositibo ang isinagawang surveillance operation laban sa mga suspek ay agad na nagkasa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng SDEU na nagdulot ng pagkakaaresto sa apat na babaeng tulak ng ilegal na droga.
Nakumpiska sa mga ito ang pitong plastic sachets na naglalaman ng shabu na tumitimbang ng 75 gramo na nagkakahalaga ng P510,000.
Ang nakumpiskang shabu ay itinurn-over sa Southern Police District (SPD) Crime Laboratory para maisailalim sa chemical analysis habang ang mga suspek na nakapiit sa Paranaque City police custodial facility ay nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. MARIVIC FERNANDEZ
Yesterday, while I was at work, my cousin stole my iphone and tested to see if it can survive
a 30 foot drop, just so she can be a youtube sensation. My iPad is
now destroyed and she has 83 views. I know this is totally
off topic but I had to share it with someone!
That is very interesting, You are a very professional blogger.
I have joined your rss feed and stay up for looking for more of your wonderful post.
Additionally, I’ve shared your site in my social networks