PANIBAGONG pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo ang sasalubong sa mga motorista ngayong araw.
Sa abiso ng Pilipinas Shell Petroleum Corp., ang presyo ng kanilang gasolina ay may dagdag na P0.75 kada litro, diesel ng P0.80 kada litro, at kerosene ng 0.80 kada litro.
Epektibo ang price hike sa alas-6 ng umaga.
Sa datos ng Department of Energy (DOE), hanggang noong Disyembre 15, 2020, ang year-to-date ad-justments ay nagtala ng net decrease na P2.72/liter para sa gasolina, P6.76/liter sa diesel, at P10.04/liter sa kerosene.
Comments are closed.