P1.1-M IMPORTED WATCHES NASABAT SA NAIA

relos

NASABAT ng Bureau of Customs (BOC) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang undeclared imported na mga relos na tinatayang aabot sa P1.1 milyon ang halaga.

Nadiskubre ang assorted na mga relos sa isinagawang X-ray inspection sa isang bodega sa NAIA na nagresulta sa pagkakumpiska sa mga ito.

Ayon sa report ng BOC, kabilang sa assorted watches ang Michael Kors, Fossils, Anne Klein, Charriol, Invicta, Kate Spade, Diesel at Tommy na galing sa US at idineklarang personal effects.

Bukod sa mga relos, nakuha rin sa bodega ang imported na bags, wallets at mga sapatos na may mga commercial quantity.

Agad na nagpalabas ang BOC ng Warrant of Seizure and Detention (WSD) dahil sa paglabag sa Section 1400 (Misdeclaration) and Section 1113 (Property Subject to Seizure and Forfeiture) of the Customs Modernization and Tariff Act.

Kakaharapin ng may-ari ang kasong kriminal na isasampa ng Bureau’s Action Team Against Smugglers (BATAS) dahil sa illegal importation ng mga relos. FROILAN MORALLOS

Comments are closed.