UMABOT sa mahigit P1 bilyon ang pinsala sa mga magsasaka at mangingisda ng tatlong bagyo na nanalasa sa bansa kamakailan, ayon sa Department of Agriculture (DA).
Sa pinakahuling report ng DA-Disaster Risk Reduction and Management Operations Center (DA-DRRM OpCen), hanggang Miyerkoles ng tanghali, ang kabuuang pinsala sa farm sector ng mga bagyong Henry, Inday at Josie ay umabot sa P1.12 billion, kung saan naapektuhan ang rice, corn, high value crops, livestock at fisheries.
“The increase in the overall damages and losses is attributed to reports on rice, corn, high value crops and fisheries in all the provinces of Region III and Oriental Mindoro,” pahayag ni DA-DRRM OpCen.
Ayon pa sa report, ang DA Regional Field Offices ay kasalukuyang nagsasagawa ng field validation upang matukoy ang lawak ng pinsala ng tatlong bagyo, gayundin ang pangangailangan ng mga apektadong magsasaka at mangingisda.
Karamihan sa nawalang produksiyon ay naitala sa rice sector, na nasa 83 percent ng kabuuan.
May 37,927 rice farmers sa 12 lalawigan ang nawalan ng may 12,111 metric tons na nagkakahalaga ng P925.99 million.
Ang mga bagyo ay nakaapekto sa may 30,274 ektarya sa mga lalawigan ng Pangasinan, Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, Pam-panga, Tarlac, Batangas, Rizal, Laguna, Occidental Mindoro, Negros Occidental at Aklan.
“Region III is now the most affected region in terms of damages and losses in rice, which amount to P569.83 million (62%) with Tarlac as the most affected province at P362.46 million (39%),” nakasaad sa report. JASPER ARCALAS
Comments are closed.