P1.1B DENGVAXIA VICTIMS FUND ‘DI MAGAGAMIT SA KORUPSIYON

Sen Legarda

TINITIYAK ni Senate Committee on Finance Chair Senadora Loren Legarda na hindi magagamit sa korupsiyon o ang P1.1B na supplemental budget para sa mga biktima ng Dengvaxia.

Ani Legarda, tulad ng nasa senate version nais nito na magamit ang pondo sa tamang panahon o hanggang sa 2019 bago matapos ang termino bilang senador.

Hindi makapapayag si Legarda na ang pondo para sa Dengvaxia ay ipo-pondo para sa medical assistance ng mga mambabatas para magamit sa nalalapit na halalan.

Hindi rin makapapayag si Legarda na magi­ging mabagal ang proseso sa pagamit ng pondo para sa mga biktima dahil alam naman ng DOH ang mga pangalan ng mga biktima dahil may listahan sa ginawang pagbabakuna ng Dengvaxia.

Tinitiyak ng senadora, 101% na maaaprobahan ang P1.1B supplemental budget para sa Dengvaxia victims bago matapos ang sesyon ngayong linggo.  VICKY CERVALES

4 thoughts on “P1.1B DENGVAXIA VICTIMS FUND ‘DI MAGAGAMIT SA KORUPSIYON”

  1. 25037 162331This design is steller! You undoubtedly know how to keep a reader entertained. Between your wit and your videos, I was almost moved to start my own weblog (well, almostHaHa!) Great job. I genuinely enjoyed what you had to say, and more than that, how you presented it. Too cool! 505229

  2. Read the full written content. There is quite a few definitely informative information here. thank you. “Oh, you know. I am secretary of state. My trips aren’t successful. I just talk to people.” by George Pratt Shultz..

Comments are closed.