INILUNSAD ng United States Agency for International Aid(USAID) kamakailan ang isang programang naglalayong protektahan ang kalikasan sa kabundukan at karagatan kabilang ang pagpapatigil sa mga pang-aabusong ginagawa dito.
Ang proyektong Sustainable Interventions for Biodiversity,Oceans,and Landscapes(SIBOL) ng USAID sa ilang lugar sa Filipinas ay pinondohan ng P1.1 bilyon bilang ayuda sa gobyerno upang paunlarin ang mga paraan para sa makabuluhang paggamit ng yaman sa kalikasan na magpapalakas sa negosyo ngunit isinasaalang-alang pa rin ang pagdepensa ng ecosystem nito.
Katuwang ng USAID sa pagpapatupad ng SIBOL ang ilang ahensya ng pamahalaan gaya ng Department of Environment and Natural Resources(DENR) at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources(BFAR) na layong mapangalagaan ang yaman ng kabundukan at karagatan na pangunahing pantawid gutom ngayong krisis ng mahihirap na mamamayan.
“Effective conservation management and measurement of the value of natural resources contribute to the Philippines’ economic development and environmental resilience”ani Lawrence Hardy II,Mission Director ng USAID sa bansa.
Pangungunahan ng RTI International,isang US based non-profit organization ang pagpapatupad ng naturang proyektong nakatuon sa pagbibigay ng technical assistance,pagpapalakas ng institusyon,tulong sa nabanggit ng programa at research ng iba’t-ibang sektor sa bansang katuwang ang Center for Conservation Innovations,Forest Foundation Philippines,Internews,Zoological Society of London,The Resources,Environment at Economics Center for Studies(REECS).
Kaugnay nito, pinasalamatan naman ni DENR Undersecretary for Policy,Planning and International Affairs Juan Miguel T.Cuna ang nabanggit na proyektong malaking tulong umano sa mga programa ng ahensyang nagbibigay proteksyon sa kalikasan upang mas lalo pang mapakinabangan ng taumbayan. NORMAN LAURIO
Comments are closed.