BINASBASAN ang mga bagong kagamitan ng Philippine National Police (PNP) na nagkakahalaga ng P1.2 bilyon na magpapalakas sa puwersa ng pulisya.
Sinaksihan at pinangunahan ni PNP Chief Gen. Camilo Pancratius Cascolan ang paghahatid sa newly-acquired equipment at police vehicles sa Camp Crame kahapon sa Quezon City.
Kabilang sa mga bagong kagamitan, ang 11 units ng shuttle bus, 22 units ng high speed tactical watercraft, 355 units ng patrol jeep single cab, 5,767 units ng armalite at 214 units ng hand held radio.
Gayundin ang donasyong natanggap na dalawang units ng 2020 Toyota Coaster at isang unit ng Nissan Urvan NV350 Cargo Shuttle.
Nagpasalamat naman si Cascolan sa National Headquarters Bids and Award Committee gayundin kay Director for Comptrollership Major General Luis Licup sa mabilis na aksiyon para sa procurement ng mga kagamitan,
Aniya, ang mga bagong kagamitan ang susi para sa maganda serbisyo kaugnay sa modernization program ng PNP sa ila-lim ng P.A.T.R.O.L. PLAN 2030. EUNICE C.
Comments are closed.