P1.2-B PINSALA NG TAGTUYOT SA REGION 2

tagtuyot

CAGAYAN – UMABOT na sa P2.1 billion ang pinsala ng tagtuyot na nararanasan ng mga magsasaka sa kanilang mga tanim na mais at palay sa buong Region 2.

Napag-alaman ng PILIPINO Mirror, na sa tanim na palay ay umaabot sa 48,394 hectares o katumbas ng P702 million na ang naitalang pinsala ng Department of Agriculture (DA) Region-2.

Ayon kay Regional Executive Director Narciso Edillo, nangunguna ang lalawigan ng Caga­yan na apektado ng tagtuyot na tanim na palay na may lawak ng pinsala na 35,054 hectares.

Pangalawa ang Isa­bela na may 8,145 hectares, pangatlo naman ang Nueva Vizcaya na may 2,551 hectares at pang-apat naman ang lalawigan ng Quirino na may naitalang 1,743 hectares.

Ang lawak naman ng pinsala sa mga pananim na mais ay 66,963 hectares na may katumbas na mahigit P1.4 billion na maari pa umanong madagda-gan pa ang bilang ng pinsala sa sandaling maisumite na sa pamunuan ng DA ang iba pang mga bayan sa rehiyon ang kanilang mga tanim na palay at mais na naapektuhan ng tagtuyot. Sinabi pa ni Regional Executive Director Narciso Edillo ng DA Region 2, sa sandaling maisumite na sa kanilang tang-gapan ang lahat ng damage report sa epekto ng El Niño sa buong rehiyong dos, ay pasisimulan ng tangapan ng DA ang alokasyon ng pondo para sa seed subsidy upang maipamahagi na nila sa mga magsasaka na naapektuhan ng tagtuyot. IRENE GONZALES

Comments are closed.