NAGKALOOB ang Department of Agriculture (DA) ng P1.2 bilyon para sa agri-fishery projects ng mga magsasaka at mangingisda sa Ilocos Region.
Ikinalugod ng mga magsasaka ang naturang pondo na ipantutustos sa mga programang pang-agrikultura sa mga probinsiya ng rehiyon para sa mga piling mahihirap na magbubukid matapos ang paglilibot ni Agriculture Secretary William Dar sa mga naapektu-han ng nagdaang bagyo.
“Agricultural services and assistance from DA must be set in place to help farming and fishing communities be globally-competitive and resilient, amidst the challenges and emerging issues of the industry,” wika ni Dar.
Napag-alamang pinagkalooban ng DA ang Ilocos Norte ng P287 milyon habang ang Ilocos Sur ay nabigyan ng P173 milyong project assistance. Nakatanggap naman ng P121 milyon ang La Union at P628 milyon ang Pangasinan para sa agri-fishery interven-tions.
Kabilang sa naturang tulong ng kagawaran ay ang farm machineries, irrigation facilities, seeds at extension at training services para sa rice, corn, high value crops, livestock, organic agriculture at fisheries programs.
Ang nasabing mga proyekto ay bahagi ng inisyatibo ni Pangulong Rodrigo Duterte na masiguro na nararamdaman ng bawat mag-sasaka ang tulong ng pamahalaan. BENEDICT ABAYGAR, JR.
Comments are closed.