BATANGAS-WORLD class na City Hall ang naging deskripsiyon ni Lipa City Mayor Eric Africa ang itatayong sa lungsod na nagkakahalaga ng P1.2 bilyon sa ilalim ng Public-Private Partnership (PPP) sa pagitan ng Ayala Land na siyang nagbigay ng donasyon para sa lupang pagtatayuan ng mga gusali.
Naging pangunahing panauhin sina Congresswoman Vilma Santos Recto at ang asawang si Senate President Pro Tempore Ralph Recto na siyang katuwang ni Africa sa proyekto kabilang sina DPWH Undersecretary Emerson Benitez at kinatawan mula sa Ayala land estates na si Assistant Vice President Cris Zuluaga.
Nakatakdang itayo ang modernong city hall sa 9 na hektaryang lupain ng Ayala Land sa Brgy. Bulacnin ng Lipa City.
“Today’s a very momentous event dahil ito pong groundbreaking ceremony ay isa pong symbol ng resiliency at success ng Lipa City despite all the tragedies na pinagdaanan po natin especially yung sunod sunod pong pagbagyo, pagputok ng bulkan at itong napakahabang COVID-19 pandemic,” ani Africa.
Nilikha ang disenyo mula sa tanyag na Budji Layug – Royal Pineda Architecture sa nasabing city hall at inaasahang maitatayo sa loob lamang ng tatlong taon.
Mula sa 9 hektaryang lupain, ang apat na palapag na city hall building ay ilalagay sa 5 hektarya habang tig-dalawang hektarya naman ang nakalaan para sa regional food terminal ng Department of Agriculture at access road patungo sa City hall.
Nasa limang ektarya ang floor area na nakalaan para sa apat na palapag na city hall building, habang tig-dalawang ektarya naman ang nakalaan para sa regional food terminal ng Department of Agriculture at access road patungo sa city hall.
Aabot sa P200 milyon ang inilaang budget ng Sangguniang Panglungsod para sa nasabing gusali sa unang taon habang karagdagang P400 hanggang P500 milyon naman kada taon ang idaragdag pa hanggang sa matapos ang bagong city hall sa ikatlong taon.
Nasa P50 milyon naman ang inilaang pondo ng tanggapan ni Senadora Cynthia Villar sa itatayong food terminal na dinagdagan pa ng P100 milyon ni Senadora Recto para maituloy ang nasabing bagsakan ng mga pagkain na pamamahalaan ng Department of Agriculture sa Lipa.
Nilinaw ni Africa na walang inutang ang lungsod at sa halip ay galing mismo sa sariling pondo ng City hall mula sa buwis ng mamamayan.
“Despite all that, nagcontinue po tayo na magsurvive and I’m proud to say na nagsucceed po ang lungsod ng Lipa so congratulations po sa ating lahat,” anito.
Gayunpaman, nilinaw ni Africa na hindi gigibain ang kasalukuyang city hall lalo’t iconic at bahagi na ito ng kasaysayan ng Lipa. RON LOZANO