P1.2-M AYUDA SA PINOY FISHERMEN

FFCCCII

NAGKALOOB ng tulong ang Fe­deration of Filipino-Chinese Chamber of Commerce and Industry Inc. (FFCCCII) sa 22 Pinoy fishermen na apektado ng banggaan kamakailan sa Recto Bank.

Sa isang press conference, pinangunahan ni FFCCCII President Dr. Henry Lim Bon Liong ang pag-aabot ng dalawang tseke na nagkakahalaga ng P1.2 milyon para sa rehabilitasyon ng mga nasirang bangka.

Bukod dito, nagkaloob din ng P250,000 ang pederasyon bilang livelihood assistance sa naturang mga mangi­ngisda habang magpapatayo pa ng karagdagang limang school buildings ang FFCCCII sa San Jose, Occidental Mindoro na bahagi ng kanilang civic project na ‘Operation Barrio School’.

Umaasa naman si Dr. Liong na makatutulong ito sa bawat pamilya ng mga mangingisdang naapektuhan ng ‘di ina­asahang aksidente kasunod ang pag-asang mananatili ang pagkakaisa sa pagitan ng mga Pinoy at mga Chinese.

Naniniwala si Dr. Liong na isolated lamang ang naganap na banggaan sa Recto Bank at hindi hanggad ng mga Chinese na makapanakit ng mga Pinoy habang patuloy na abala ang kanilang mga kababayang Chinese sa pagpapalakas ng trade relations sa mga Pinoy.

Malugod namang tinanggap ng may-ari ng bangka na si Felix dela Torre at ng kapitan nitong si Junel Insigne ang ibinigay na financial assitance ng FFCCCII na  nagpapakita, anila, ng bagong pag-asa sa mga mangingisda. BENEDICT ABAYGAR, JR.

 

Comments are closed.