SA IKATLONG sunod na linggo ay magpapatupad ang mga kompanya ng langis ng taas-presyo sa gasolina at ikalawang sunod na linggo naman na may price hike sa diesel at kerosene.
Sa abiso ng Pilipinas Shell Petroleum Corp., simula alas-6 ng umaga ng Martes, ang presyo ng kada litro ng gasolina ay tataas ng P1.25, diesel ng P0.55, at kerosene ng P2.35.
Magpapatupad ang Petro Gazz ng kaparehong adjustments, maliban sa kerosene na hindi nito produkto.
Sa pinakahuling datos mula sa Department of Energy (DOE), ang total year-to-date adjustments ay may net decrease na P14.52 kada litro para sa gasolina, P16.99 sa diesel, at P22.50 sa kerosene hanggang Mayo 5, 2020.
Comments are closed.