P1.28-B SHABU NASAMSAM SA 3 NARCO COURIERS

UMAABOT sa P1.28 bilyong halaga na shabu ang nasamsam sa 3 narco couriers sa isinagawang anti-drug operation ng mga operatiba ng PDEA CAVITE, PDEA IIS, PDEA SES, AFP TF NOAH, AFP SIF, NICA, BOC, PNP-DEG NCR, PNP-DEG SOU 4, Cavite PPO & Bacoor CPS sa bahagi ng Brgy. Molino 3, Bacoor City, Cavite kahapon ng umaga.

Isinailalim sa tactical interrogation ang mga suspek na sina Jorlan San Jose y Abungkas, 26-anyos; Joseph Maurin y Mindaro, 38-anyos; at si Joan Lumanog y Habulan, 27-anyos, pawang nakatira sa Manager Drive Executive Village Blk 16, Lot 9 sa nasabing barangay at mga tubong Dominorig, Talatag, Bukidnon.

Ayon sa ulat ng PDEA – Cavite, isinailalim sa masusing surveillance ang mga suspek bago isagawa ang buy-bust operation kung saan nasamsam ang 149 kilong shabu na may street value na P 1.0281 bilyon.

Narekober naman ang boodle money na may P1000 na ginamit sa buy-bust operation at isang yunit na black nokia key pad type cellular phone.

Isinailalim na sa drug test ang mga suspek habang pina-chemical analysis naman sa Cavite Provincial Crime Laboratory ang 149 kilong shabu na gagamiting ebidensiya sa pagsasampa ng kasong paglabag sa Section 5 & 11, Art. II, RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. MHAR BASCO

175 thoughts on “P1.28-B SHABU NASAMSAM SA 3 NARCO COURIERS”

  1. I’ve been searching for hours on this topic and finally found your post. totosite, I have read your post and I am very impressed. We prefer your opinion and will visit this site frequently to refer to your opinion. When would you like to visit my site?

Comments are closed.