P1.3-B FISHERY PROJECT, 2M PINOY MABIBIYAYAAN

FISHERY PROJECT

ISANG proyekto para sa kapakanan ng mga mangingisda ang ini­lunsad ng Department  of Agriculture (DA) at ng United States govern-ment sa Visayas Region.

Sa impormasyong ibinahagi ng DA at ng US Embassy sa Manila, tinatayang aabot sa 2 milyong Filipino ang mabibiyayaan ng proyekto na gagastu-san ng United States Agency for International Aid (USAID).

Inilunsad ng pamahalaan ng Amerika, katuwang ang  Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na nasa ilalim ng DA, ang P1.3 billion sustainable fisheries project na tinawag na ‘Fish Right’ at  tutustusan ng USAID.

Ang  five-year USAID project ay nakatutok sa pagtugon sa mga banta sa biodiversity, pagpapahusay ng marine ecosystem governance, at pagpaparami at pagpapabigat sa mga mahuhuling isda sa mga karagatang sakop ng Calamianes Island Group, Visayan Seas at South Negros.

Tiwala ang US go­vernment na malaki ang magagawa ng nasbaing proyekto para mapaganda ang kabuhayan ng mi-lyon-milyong Pinoy na nakadepende sa pangingisda ang kanilang pagkain at kabuhayan.           VERLIN RUIZ

Comments are closed.