P1.3-B GAGASTUSIN SA MGA ARMAS NG NAVY WARSHIPS

PH Navy

PASAY CITY – ISASAILALIM sa weapon upgrades ang tatlong barko ng Philippine Navy na gagastusan ng P1,304,200,000 para makaaARMAS gapay sa mga barkong pandigma ng mga kalapit bansa.

Ito ay upang maging angkop ang kakayahan nito na makapagpatrolya at magsagawa ng inter-agency operations sa karagatang ng Filipinas.

Ang kontrata para sa Del Pilar-Class Upgrade ay nakuha ng  South Korean defense manufacturer Hanwha Systems Co., Ltd.

Napag-alaman na may mga plano na para sa pag-iinstila ng mga mas malalakas sandata sa tatlong Philippine Navy (PN)’s Gregorio Del Pilar-class offshore patrol vessels.

Inihayag ito ni PN flag-officer-in-command Rear Admiral Giovanni Carlo Bacordo nang tanungin ito kung may plano ba na higit pang palakasin ang mga dating Hamilton-class cutters na nakuha mula sa US Coast Guard noong  2011, 2013 at 2017 at kabitan ng mga makabagong sandata. VERLIN RUIZ

Comments are closed.