BENGUET – NADISKUBRE at sinunog ng mga awtoridad ang mahigit P1.3 milyong halaga ng tanim na marijuana sa isang operasyon sa Barangay Tacadang, Kibungan sa lalawigang ito.
Natagpuan sa operasyon ang tatlong marijuana plantation, dalawa sa Sitio Walayan at isa sa Sitio Gayang.
Umabot sa halos 7,000 fully grown marijuana plants ang nadiskubre at agad na sinunog sa lugar.
Walang naaresto sa isinagawang operasyon ngunit patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang mga nasa likod ng ilegal na plantasyon.
RUBEN FUENTES