P1.3-M SHABU NASABAT SA Q.C

NASABAT ng Philippine Drug Enforcement Agency- Central Luzon ang nasa 200 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P1,380,000 sa tatlong drug personalities kahapon ng madaling araw Brgy. Pag Ibig sa Nayon, Quezon City.

Batay sa report ng PDEA Team Leader, kay Director General Morp Lazp, kinilala ang mga naarestona sina:Mark Ryan Absalon Raymundo 39-anyos ; Nestor Yabut at Heron San Antonio Bigalan, 30- anyos.
Limang (5) piraso ng heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng droga at marked money ang ginamit ng undercover na ahente.

Kasama sa operasyon ang PDEA NCR at ang lokal na pulisya. kasong paglabag ng republic act 9165 nang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang haharapin kaso ng mga suspek.
VERLIN RUIZ