ILOILO CITY – NASAKOTE ang dalawang tulak kasabay ng pagkakasamsam ng 200 gramo ng shabu na umaabot sa halagang P1.36 milyon sa isinagawang buy bust operation sa Barangay Baklaw sa lalawigang ito.
Sa ulat ni Col. Kim Legada, hepe ng Iloilo City Police Office (ICPO), kinilala ang dalawang suspek sa mga alyas Jun at Boyet na pawang nakatira sa nabanggit na barangay sa Iloilo City.
Ayon pa sa opisyal, prayoridad nila ang pagpapahina sa distribusyon ng illegal na droga bago ang Dinagyang weekend.
Pinuri naman ni Brig. Gen. Jack Wanky, Police Regional Office-6 chief na ang tagumpay na ito ng operating units.
“Maintain the intensification of our effort in fighting this illegal drug problem in order that those involved be prevented from their ongoing illegal activities,” ani Wanky.
Ang dalawang suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Law 2002.
EVELYN GARCIA