P1.3B MODERNISASYON NG MANILA SCIENCE HIGH

HANDA na ang lokal na pamahalaang lungsod ng Maynila sa isasagawa nitong modernisasyon kasunod ng ginanap na “groundbreaking ceremony” para sa pagpapatayo ng bagong sampung palapag na Manila Science High school.

Ang naturang proyekto na bahagi ng pagsasamodernisasyon ng lokal na pamahalaan sa mga pampublikong paaralan sa lungsod kung saan maaaring ihalintulad ang mga ito sa mga pribadong eskuwelahan bukod pa sa karagdagang espasyo upang mas maraming mag-aaral na Manilenyo ang mabigyan ng maayos na edukasyon.

Naglaan naman ang lokal na pamahalaan ng P1.3 bilyon para sa itatayong sampung palapag na Manila Science Highschool na may 158 classrooms, 16 offices, 1 library, 1 canteen, 1 auditorium, 1 gymnasium, 2 outdoor basketball courts, 1 roofdeck outdoor sport, limang elevator units, at limang stairs node.

“Today we are going to achieve, two years from now, the perennial problem in our public education system in terms of space, not only in Manila but also in the entire country,” ani Manila Mayor Isko Moreno.

“We build. We vaccinate. We provide jobs. We provide food, money in our mga lolo’t lola, estudyante, and so on and so forth. Ito ang inaasahan ng taumbayan sa kanyang pamahalaan,” dagdag pa nito.

Aniya, kailangan umanong umusad at gumawa ng mga hakbang ang lokal na pamahalaan upang matugunan ang pangangailangan ng mga Manilenyo kung saan hindi ito mapipigil kahit umulan, bumaha o dulot ng nakamamatay na pandemya.

“Yes, it’s true, ginagapi tayo ng pandem­yang ito. Problema after problema after problema. But we, Manilenos, have survived many obstacles, so many challenges in the past, and here we are today in challenge by this deadly disease, by this weather, by economy, by opportunity, but we must move on, we must unite, we must act in synchrony,” saad ni Moreno.

Matatandaan na nito lamang nakaraang linggo ay isinagawa din groundbreaking ceremony para sa itatayong 10 palapag na bagong Rosauro Almario Elementary School sa Tondo na pinondohan ng lokal na pamahalaan ng P1.9 bilyon sa ilalim ng pagsasamodernisasyon ng sector ng pampublikong edukasyon sa lungsod. PAUL ROLDAN

7 thoughts on “P1.3B MODERNISASYON NG MANILA SCIENCE HIGH”

  1. 706249 681849I admire the helpful facts you offer inside your articles. I will bookmark your weblog and also have my children verify up here often. Im really certain theyll learn a lot of new items correct here than anybody else! 789746

  2. 658540 73148Your home is valueble for me. Thanks!? This internet page is really a walk-via for all of the information you required about this and didn know who to ask. Glimpse appropriate here, and you l undoubtedly uncover it. 562493

Comments are closed.