P1.3M MARIJUANA NAKUMPISKA SA 2 COURIERS

KALINGA-KASONG RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang kinakaharap ng dalawang drug personalities matapos masamsam sa kanila ang P1.3 milyong halaga ng marijuana bricks sa buy-bust operation ng awtoridad sa Sitio Bakras, Barangay Bulanao Centro, Tabuk.

Kinilala ng mga tauhan ni P/Col. Davy Vicente Limmong, Provincial Director ng Kalinga Police Provincial Office ang mga naaresto na sina Cindy Addawi, 40-anyos, residente ng Barangay Nambaran, Tabuk, Kalinga at Saldy Wasigan, 28-anyos, binata at residente ng Barangay Agbannawag.

Sa impormasyon kay P/Col. Limmong, personal na nakipag-ugnayan sa kanila ang Provincial Intelligence Unit/Provincial Drug Enforcement Unit (PIU/PDEU) ng Cagayan Police Provincial Office (CPPO), kasama ang PDEA-RO2 kung saan ay may katrasaksyon umano sila dalawang suspek na magbebenta ng mga pinatuyong marijuana bricks.

Kaagad namang ikinasa ang isang drug buy bust operation kung saan ay nagpositibo naman ang kanilang operasyon na nasakote ang dalawang indibidual matapos na magpanggap na buyer ang awtoridad sa bentahan ng ipinagbabawal na damo kapalit ang halaggang P53,000 buy-bust money.

Sa kabuuan, nakumpiska ang awtoridad sa mga suspek ang 10 piraso ng bricks ng marijuana na tumitimbang ng 11 kilos at may Dangerous Drugs Board value na P1,375,000. IRENE V. GONZALES

45 thoughts on “P1.3M MARIJUANA NAKUMPISKA SA 2 COURIERS”

Comments are closed.