P1.4-B SHABU NATAGPUAN SA NAKAPARADANG KOTSE

PAMPANGA- NASAMSAM nang mga awtoridad ang mahigit sa P1.4 bilyong halaga ng 200 kilong shabu na nakabalot sa pakete ng tsaa sa isang kotse na nakaparada sa isang mall sa Mabalacat sa lalawigang ito.

Base sa pahayag ng mga awtoridad nakatanggap ng report ang kanilang tanggapan na may nakaparadang kotse sa nasabing mall anim na araw na at walang may-ari pumupunta.

Agad na pinuntahan ang sasakyan at natuklasan na nakadikit pa ang susi ng kotse sa side mirror kung kaya’t nagawang buksan ito ng mga nagrespondeng pulis.

Ayon sa hepe ng Task Force Against Illegal Drugs ng National Bureau of Investigation (NBI) na si Atty. Ross Jonathan Galicia, aabot sa P1.4 bilyon ang halaga ng droga.

Dagdag pa ni Galicia na maaring nakatakdang ibiyahe ang mga droga papuntang Metro Manila.
EVELYN GARCIA